Tuesday, April 28, 2009

Sagot ng Masbate PPO sa Taliwas na Pahayag ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan, Masbate

Sagot ng PNP Masbate sa Taliwas na Pahayag ng JRC-BHB

Nais pong linawin ng Police Community Relations (PCR) ng Himpilan ng Pulisya ng Masbate Provincial Police Office ang mga ilang punto na taliwas na inihayag ng JRC-BHB sa inyong kagalangalang na pahayagan, Rodeo Tabloid na isyung March 27-April 2, 2009 bilang 08, tungkol sa ginawang aksyon ng NPA-Masbate, sa mga sumusunod:

1. Ang pag reyd ng NPA-Masbate sa bahay ni Ex-Barangay Chairman Fernando Aninang ng Barangay Panguiranan sa bayan ng Balud noong Marso 11, 2009 sa pagbintang na “nagbibigay ito ng buwanang (o monthly) sa Camp Boni Serrano at PNP Balud bilang protection money” sa illegal na pangingisda ay isang haka-haka at kasinungalingan pagbibintang. Walang tinatanggap ang sinumang pulis Masbate sa kanilang paratang na protection money at bawal sa aming hanay ang isang kotong cop. Dalawa ang aming hamon sa NPA-Masbate: 1. Ilantad sa publiko kung sino man ang tumatanggap ng protection money at nang maimbistigahan at mabigyan ng kaukulang disiplina o parusang pagkatangal bilang pulis; 2. Sa bintang na illegal na pangingisda ni Ex-Barangay Chairman Aninang, kung tunay na makamasa ang NPA, bakit hindi siya hinuli at isinuko sa kasalukuyang pamunuan ng Barangay Panguiranan o Bantay Dagat ng Balud upang makasuhan sa paglabag sa umiiral na Anti-Illegal Fishing Law? At di gaya ng pagransak sa kabahayan ng mga tauhang mangingisda ni Aninang na nagdulot ng matinding pagkabahala dahil takot at pangamba sa mga anak, kapatid, at magulang nito; at

2. Ang nangyaring meeting engagement sa panig ng 506th PPMG at NPA noong Marso 12, 2009 sa Barangay Pinamangcaan, bayan ng Balud na resulta ng pagpasabog ng mga teroristang komunista sa isang pampublikong sasakyan patungong Lungsod ng Masbate, na ang karamihan ay mga sibilyan ang lulan at ilan laman sa mga pulis bilang pasahero, na ginamitan ng improvised explosive devise (IED) na nakatanim sa kalsada. Nagdulot ito ng pagkasira ng nasabing sasakyan at pagkasugat ng dalawang sibilyan. Sa panig ng mga pulis, magiting at buong tapang na nakipagsagupaan ang mga kasapi ng 506th PPMG laban sa mga NPA.

Taliwas sa pahayag ng JRC-BHB na “walo (8) and patay sa mga taga 506th PPMG at sugatan. Sadyang itinatago and mga patay ng PPMG ng Provincial Command.” Ang katotohanan, walang namatay na kasapi ng 506th PPMG sa pinamunuan ni PCI RONALDO FULO, at tatlo (3) lamang ang nabilang na wounded-in-action (WIA) na daliang nadala ng helicopter na unang nagbigay ng aerial combat support at nabigyan ng kaukulang lunas sa ospital.

Karugtong ng nauna ng nasabing pangyayari ay ang daliang pagresponde ng Balud Municipal Police Station (MPS) upang magbigay suporta ng mabalitaang nakikipaglaban ang 506th PPMG laban sa mga komunistang manliligalig. Napalaban ang tropa ni PSI EDUARDO REGALARIO, Hepe ng nasabing MPS, malapit sa lugar ng sagupaan at sinungaling na hinayag ng “pagkamatay ng isang PNP-Balud at pagkasugat ng iba pa” na sa katotohanan ay wala namang nasawi at isa lamang ang na-WIA sa grupo na nadala agad sa pagamutan habang ang ilan sa kanila ay galos lamang ang tinamo.

Sa Philippine National Police, kailanman hindi pwedeng itago ang pagkamatay ng isang alagad ng batas na nagseserbisyo sa bayan. Maghahanap at maglalahad ng katotohan mismo ang pamilya ng pulis, maliban sa taong bayan, at ipagluluksa ang kanyang pagkasawi ng dahil sa kagitingang ipinamalas upang itaguyod lamang ang sinumpaang tungkulin, kung sakali man.

Kung sa komunistang kilusan o NPA, madalas mangyari itong pagtatago ng kanilang patay, na karamihan kung saang kagubatan inililibing, na wala ng disenteng burol maski kaunting panahon man lang. Ano ba yan, nakakatawang tanggaping ang bintang na kanilang normal gawain! Pawang mga sinungaling ang NPA!

Sa panghuling pahayag, mula sa ulat ng mga operatiba at mga nakasaksi na taong bayan ng meeting engagement na kung saan muling ipinamalas ng kapulisan ng Masbate ang kanilang kagitingan at katapangan na nagresulta ng casualty na dalawang (2) NPA na sugatang hila-hila nila, na malamang mga patay na, sa kanilang pagatras nang magdatingan ang mga hukbong mula sa Philippine Army at aerial combat support ng Philippine Air Force. Kadalasan at sigurado natin, kung saan-saang kagubatan na lang inihukay ang pobreng nasawing mga NPA at kasabay na malilibing sa limot tulad ng mga nauna nilang namatay na kasapi ng komunistang kilusan.

Kaya mula sa nagmamalasakit na Mamang at Aleng Pulis, hinihikayat naming kayong mga kasapi ng Jose Rapsing Command, NPA-Masbate na sumuko na sa aming himpilan at payapang mamuhay ng normal at hindi bilang isang komunistang rebelde at taguriang international terrorist gaya ni Jose Maria Sison.


Police Community Relations
Masbate Police Provincial Office
Camp Bonny Serrano, Masbate City

Pio V. Corpuz Police Encounter with NPA Yielded Slain Former Police Chief Gun

Pio V Corpuz Police Encounter with NPA Yielded Slain Former Police Chief Gun

A meeting engagement ensued at about 8:30 AM on 09 April 2009 between a team of Pio V Corpuz MPS Warrant Servers led by PO1 Jomel Bartolay and three (3) others with undetermined number of Communist Terrorists (CTs) at Barangay Cabangyaran of said municipality. The team of PO1 Bartolay is supposed to serve a Warrant of Arrest to Jasuero Tunacao, Jr. for Robbery with Homicide under Criminal Case No. 1960 at the aforesaid barangay when the encounter took place that resulted to the Wounding-in-Action (WIA) of PO1 Garry D. Lupango who was immediately brought to the hospital for treatment and the lost of the personal firearm of PO1 Marlon D Ibo, a caliber .45 PT model pistol with serial number NXK41348 with license number 81576311183901. Accordingly, barangay folks who witnessed the NPA withdrawal confirmed that a tall mestizo looking that fitted the profile description of CT Nonoy Espinosa @Jimmy/Joseph is being carried and already dead resulting from the aforesaid meeting engagement.

Joint reinforcement troops from 507th PPMG and Pio V Corpuz MPS led by PCI ESTERCASIO PIMENTEL, Group Director, conducted hot pursuit combat operation that led to the recovery of a caliber 9mm Pietro Beretta pistol with serial number N54782Z at the encounter scene. Firearms records verification made by Masbate Police Provincial Office yielded that the aforesaid .9mm recovered pistol was issued to the late PSI ALBERTO T MONTECALVO, then Chief of Police of the aforesaid MPS, who was killed and robbed by hired gunman CT Nonoy Espinosa @Jimmy/Joseph and as masterminded by Jasuero Tunacao, et.al. sometime at 5:00PM on 02 March 2007 at Barangay Lampuyang, Pio V Corpuz.




Police Community Relations
Masbate Police Provincial Office
Camp Bonny Serrano, Masbate City

Ang Patraydor na Pagpatay ng Sparrow Units kay SPO1 LuiS Medillo ng Palanas MPS, Masbate

SPO1 Luis Medillo, Walang Awang Pinatay ng NPA

Noong ika-7 ng umaga ng Marso 29, 2009, si SPO1 Luis Jimenez Medillo, Jr. ng Palanas Municipal Police Station (MPS) ay walang awang pinatay ng NPA sa harap ng kanyang nagmamakaawang asawa sa talipapa ng Barangay Nabangig, Bayan ng Palanas.

Paalis na sina SPO1 Medillo at ang kanyang asawa ng patraydor na barilin ng di nakikilang salaring NPA sa likod na bahagi ng ulo na sanhi ng agarang pagkasawi ng biktima na galing pa lamang sa pagsisiyasat sa slaughter house, ito bilang karagdagang tungkulin na dapat mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa pamamalakad ng nasabing katayan ng hayop.

Ano ang naging mabigat na kasalanan ni SPO1 Medillo sa NPA at basta na lamang s’yang paslanging ng mga walang habag na NPA o komunistang terorista? Paano na ang mga naulila nya sa buhay? Sino na ang magtataguyod ng kanilang kabuhayan? pagaaral ng mga anak? ang kanilang kinabukasan? Nasaan na ang hustisya? Ang karapatang pantao para kay SPO1 Medillo, na dati’y sya ang nagpapatupad bilang alagad ng batas na ngayon ay isa na namang biktima ng karahasan ng NPA dito sa probinsya ng Masbate? Mga katanungang umaalingawngaw na naghihintay ng matapat na kasagutan, yan ang aming hamon sa Jose Rapsing Command-BHB NPA-Masbate.



Police Community Relations
Masbate Police Provincial Office
Camp Bonny Serrano, Masbate City